Tubig sa Olympic diving pool, biglang nag-kulay green; wala daw banta sa kalusugan ng mga atleta

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2016 - 06:53 AM

Getty Image
Getty Image

Natukoy na ng mga organizers ng Rio Olympics ang dahilan ng biglang pagbabago ng kulay ng Olympic diving pool.

Mula sa asul, nagulat ang mga atleta at ang mga nanonood nang biglang nag-kulay green ang tubig sa pool.

Pinawi naman ng mga Olympic officials ang pangamba na algae ang dahilan ng pagkukulay green ng tubig, sa halip ay ‘chemical imbalance’ umano ang nagdulot nito.

Ayon kay Rio 2016 spokesman Mario Andrada, bumagsak ang ‘alkalinity’ sa diving pool at iyon ang dahilan ng pagbabago ng kulay ng tubig.

Masyado kasi aniyang madami ang gumagamit ng swimming pool nitong nagdaang mga araw dahil sa patuloy na pag-eensayo ng mga atleta at mismong ang mga kompetisyon. Ang dami aniya ng taong gumagamit ng pool ang siyang nagdulot ng chemical imbalance.

Tiniyak naman ni Andrada na palaging isinasailalim sa monitoring ang tubig sa kanilang mga pool para matiyak na ligtas itong gamitin.

Wala din aniyang banta sa kalusugan ng mga atleta ang biglaang pagbabago ng kulay ng tubig sa pool.

 

 

TAGS: Olympic diving pool turns green, Olympic diving pool turns green

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.