9 na magkakasunod na pagyanig naitala sa Mindanao; magnitude 4.1 ang pinakamalakas sa Davao Occidental

Magkakasunod na niyanig ng mahinang lindol ang walong lugar sa Mindanao at isa sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Sa datos ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 2.5 na lindol sa 94 kilometers South ng Tongkil, Sulu ala 1:00 ng madaling araw. May lalim na 50 kilometers ang nasabing pagyanig at hindi naman nagdulot ng intensities.

Ala 1:50 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 2.3 na lindol sa 115 kilometers East ng Governor Generoso, Davao Oriental. May lalim na 55 kilometers ang nasabing pagyanig.

Magnitude 2.1 na lindol naman ang tumama sa T’boli, South Cotabato, alas 2:39 ng madaling araw. May lalim na 10 kilometers ang lindol at naitala ang sa 8 kilometers South ng T’boli.

Sunod na niyanig ng lindol ang 17 kilometers South ng Tupi, South Cotabato kaninang alas 3:14 ng madaling araw. Magnitude 2.5 ang lakas ng lindol at may lalim na 20 kilometers.

Sinundan naman ito ng magnitude 2.9 na lindol sa Agno, Pangasinan kaninang alas 3:21 ng madaling araw. May lalim namang 27 kilometers ang pagyanig.

Ang ikaanim na lindol ay tumama sa Kiamba, Sarangani alas 3:44 ng madaling araw. Magnitude 2.8 ang lakas ng lindol at 20 kilomters ang lalim.

Alas 4:34 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 4.1 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental. Naitala ang epicenter ng lindol sa 230 kilometers East ng Sarangani at may lalim na 32 kilometers.

Habang ang magnitude 2.1 ay tumama naman sa Kabankalan City sa Negross Occidental alas 4:50 ng umaga. May lalim itong 2.1 kilometers.

Alas 5:13 ng umaga nang maitala naman ng Phivolcs ang magnitude 2.6 na lindol sa Governor Generoso sa Davao Oriental.

Muli pa itong nasundan ng magnitude 4.0 na lindol 5:52 ng umaga sa Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs pawang tectonic ang origin ng lahat ng pagyanig at wala namang inaasahang maidudulot na pinsala.

 

 

 

Read more...