Hinihinalang tulak ng droga, patay sa Quezon City

By Jong Manlapaz August 11, 2016 - 06:24 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Nauwi sa shooting incident ang tangkang panunuhol ng isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa opisyal ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay Col. Rogarth Campo, hepe ng QCPD-DSOU napatay ang suspek na kinilalang si Renan Roque, alyas Ren, 30-anyos matapos nitong paputukan ng baril ang mga pulis.

Sinabi ni Campo, na una na nilang isinailalim sa drug buy bust operation ang napatay na suspek noong August 6, pero nakatakas ito, gayunman, nadakip nila ang girlfriend ni Roque.

Dito gumamit ng middleman si Roque para suhulan ng P50,000 si Col. Campo para ibasura ang kasong pagtutulak ng bawal na gamot na isinampa laban sa kanyang kasintahan na si Mariel Anne Go.

Dito na nagsagawa ng entrapment operation ang DSOU at nakipagkasundo ang suspek na makipagkita sa isang fastfood sa Kalayaan Avenue, West Triangle sa Quezon City.

Pagdating sa lugar nakita ng suspek ang mobile ng pulis at doon na nagsimulang magpaputok ng baril si Roque, na ginantihan naman ng mga pulis.

Nakatakbo pa ng halos 15 metro si Roque, pero napatay din ito.

Bagaman naisugod pa sa ospital, idineklara ding dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang suspek.

Nakuha sa kaniya ang isang 45 caliber na baril na ginamit niya nang paputukan ang mga pulis.

 

 

TAGS: Drug suspect killed in Quezon City, Drug suspect killed in Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.