Vilma Santos sa alok na tumakbong VP, “Wala pa akong plano”

July 21, 2015 - 07:20 AM

roxas-vilma inq file
Inquirer File Photo

Inalok umano si Batangas Governor Vilma Santos para maging vice presidential bet ng administasyon.

Ayon kay Santos, nakatanggap na siya ng mga “feelers” na nag-aalok sa kaniya para tumakbo bilang bise presidente sa ilalim ng Liberal Party.

Sinabi ni Santos nagpasalamat lang sya sa pag-kunsidera sa kaniya pero hindi muna niya iniiintindi ang mga ganitong alok sa ngayon. Wala pa naman kasi aniyang pormal na imbitasyon mula sa Pangulo.

Ayon pa kay Santos, wala pa siyang pasya o tiyak na plano para sa 2016 elections. Si Santos ay miyembro ng Liberal Party.

Ang tanging nais umano niya ngayon ay matapos ng maayos ang kaniyang termino bilang gobernador sa Batangas. Abala rin siya sa ngayon sa kaniyang pelikula kasama ang aktres na si Angel Locsin.

Magugunitang hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw kung sino ang magiging standard bearer ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas para sa 2016 elections.

Hindi pa kasi nagdedesisyon si Senator Grace Poe na tumakbo bilang bise presidente sa 2016, katambal ni Roxas./Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Radyo Inquirer, Vice Presidential bet of administration party, Vilma Santos, Radyo Inquirer, Vice Presidential bet of administration party, Vilma Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.