Nagsosolong entry ng Pilipinas sa Judo, laglag sa Rio Games

 

AFP Photo

Hindi umubra ang nag-iisang kinatawan ng Pilipinas sa larangan ng judo matapos itong mabilis na matalo ng kanyang nakalabang Italian World Cup Champion sa kanilang paghaharap sa 2016 Rio Games.

Tumagal lamang ng 79 na segundo na nagpambuno sina Filipino-Japanese Kodo Nakano at Matteo Marconcini sa lona bago nagapi ng Italyano ang kaisa-isang entry ng Pilipinas sa Judo sa taong ito.

Ilang segundo lamang sa pagsisimula ng kanilang paghaharap, agad na naitumba at napabagsak sa lona ng Italian champion ang si Nakano kaya’t nabigyan ito ng 1-point o ‘ippon’ na pinamakamataas na puntos sa larangan ng judo.

Ayon kay Nakano, masyadong magaling at malakas ang kanyang nakalaban sa araw na iyon.

Read more...