Isa pang mining firm ang sinuspinde ng DENR

By Alvin Barcelona August 11, 2016 - 04:00 AM

 

Inquirer file photo

Isa pang minahan ang pansamantalang ipinasara ni DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Lopez, sinuspinde niya ang operasyon ng Ore Asia Mining Dev’t Corp. na nakabase sa Bulacan matapos na mabigong makakuha ng ISO 14001 Certification na hinihingi ng DENR sa mga mining company.

Partikular na sinuspinde ni Lopez ang transport permit nito na mistulang nagpapahinto sa operasyon ng kompanya.

Ang Ore Asia ang ikawalo nang kompanya na sinuspinde ni lopez mula nang maupo sa DENR noong July 1.

Ang nasabing kompanya ang natatanging iron producing mine sa bansa na noong nakaraang taon ay nakamina ng 40 libong toneladang iron ore.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.