Mga ‘Good-performing LGU’s’ ibibida ng Malacañang

By Chona Yu August 11, 2016 - 04:24 AM

 

PCO Sec. Martin Andanar | Kuha ni Rose Cabrales
PCO Sec. Martin Andanar | Kuha ni Rose Cabrales

Maglalabas ang palasyo ng Malacañang ng listahan ng mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan na ginagampanan ng tama ang kanilang tungkulin.

Ito ay sa harap narin ng kabaligtarang listahan na inilabas ni pangulong Rodrigo Duterte ng mga opisyal na umano’y sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nararapat lamang na kilalanin ng gobyerno ang mga matitinong LGU officials.

Sinabi ni Andanar na base sa hawak nilang paunang listahan ngayon ay mas marami parin sa mga lokal na opisyal sa bansa ang malilinis ang records at ginagawa ng tama ang kanilang tungkuling maglingkod sa mamamayan.

Base naman sa impormasyong mula kay Interior Secretary Mike Sueno, nasa verification process pa ang listahan at wala pang ispesipikong criteria ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.