Lalakeng nakaligtas sa plane crash, nanalo pa ng $1-M sa lotto

 

Inquirer.net/FB

Mistulang doble-swerte ang biyayang ibinigay  ng kapalaran sa isang 62-anyos na Indian national dahil matapos itong makaligtas sa nag-crash land na eroplano sa Dubai na kanyang sinasakyan, nanalo pa ito ng isang milyong dolyar sa lotto ilang araw makalipas ang trahedya.

Hindi makapaniwala ang Dubai based Indian na si Mohammad Basheer Abdul Khadar sa kanyang swerteng tinanggap matapos ang naturang insidente.

Si Basheer ay isa sa lulan ng Emirates Flight EK521 na galing ng southern India na nag-crash land at nasunog sa Dubai airport kung saan 13 pasahero ang nasaktan at isang bumbero ang nasawi.

Ilang araw matapos ang trahedya, nabunot ang tiket na hawak ni Khadar sa Dubai Duty Free Millennium Lottery kaya’t nakapag-uwi ito ng 3.67 million Dirham katumbas ng isang milyong dolyar.

Itinuturing naman ni Jhadaar na regalo mula sa Panginoon ang doble swerte na kanyang tinamo.

Read more...