Olympic medalist na si Hidilyn Diaz makikipagkita sa pangulo sa Davao City

By Den Macaranas August 10, 2016 - 08:05 PM

Hidilyn_Diaz-Weightlifting1Inihahanda na ng Palasyo ng Malacañang ang courtesy call bukas ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasang alas-kwatro ng hapon bukas ay darating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 si Diaz at kaagad ring bibiyahe papunta sa Davao City para sa kanyang pakikipag-kita sa pangulo ayon sa impormasyon na inilabas ng Philippine Sports Commission.

Tinapos ng 25-anyos na si  Diaz ang dalampung taong pagkauhaw ng bansa sa medalya mula sa nasbaing sporting event ng Manalo siya ng silver medal para sa 58-kg category sa weightlifting sa Rio Olympics.

Bukod sa P5 Million na cash incentives mula sa pamahalaan ay may mga naghintay ding gatimpala kay Diaz na isa ring tauhan ng Philippine Air Force.

Isang hero’s welcome naman ang naghihintay kay Diaz sa kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan sa Zamboanga City,

TAGS: Davao, duterte, hidilyn diaz, Davao, duterte, hidilyn diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.