Duterte nabahala sa mga ulat na nakapasok na sa bansa ang ISIS

By Chona Yu, Den Macaranas August 10, 2016 - 07:58 PM

Duterte ISIS
Inquirer file photo

Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapag hindi umaksyon ang pamahalaan ay posibleng maghari sa bansa ang ISIS sa susunod na tatlo hanggang pitong taon.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga tauhan at opisyal ng militar sa Camp Sang-an sa Labangan town sa Zamboanga del Sur, sinabi ni Duterte na parang “disease” ang ISIS.

May impormasyon rin daw siyang nakuha tungkol sa pagpasok sa bansa ng ilang mga Arab missionaries na ngayon ay nasa ilang lugar na sa Mindanao.

Wala umanong armas ang mga ito pero sila ay nasa bansa upang ipakalat ang doktrina kaugnay ng Islamic State.

Possible rin umanong nakikipag-ugnayan na ito sa ilang Moro rebels bilang bahagi ng pagpapalawak ng kanilang impluwensiya sa rehiyon.

Inatasan rin ng Commander-in-Chief ang Armed Forces of the Philippines na pagbutihin ang intelligence gathering para mamonitor ang galaw ng mga ISIS supporters sa bansa.

TAGS: AFP, arab, duterte, ISIS, AFP, arab, duterte, ISIS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.