Big at small players sa mining, isasailalim lahat sa audit ayon sa DENR

By Alvin Barcelona August 10, 2016 - 06:34 PM

MiningWalang sasantuhin na mining company ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isasagawa nitong malawakang audit ng minahan sa bansa.

Ayon kay DENR Sec. Gina Lopez, lahat ng Environment Compliance Certificate (ECC) ng malaki o maliit na mining operation ay idadaan nila sa masusing pagkilatis.

Babala ni Lopez, hindi sila mangingiming ipasara ang lahat ng mining operation na matatagpuan nila na lumalabag sa environmental, health at safety standards na itinatakda sa batas.

Paalala ng kalihim sa mga mining companies, sinuman na lalabag sa batas ay kailangang harapin ang katapat nitong kaparusahan.

Sinabi naman ni Undersecretary Leo Jasareno, pinuno ng mining audit team ng DENR, kabilang sa mga isasailalim nila sa pagsisiyasat ang Lepanto at Philex sa Luzon, Atlas Consolidated sa Visayas, Oceana Gold sa Region 2, at Filminera sa Masbate, habang hinihintay nila ang findings sa Taganito at SR (Metals Inc.).

Tinitingnan din aniya nila ang Citinickel Mines and Development Corp., Berong Nickel Corp. at Benguet Corp na mga major players sa mining industry.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.