Nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Unang nagpatupad ng bawas sa presyo ang kumpanyang Eastern Petroleum kagabi sa halagang P0.25 sa kada litro ng gasolina at P0.50 sa kada litro ng diesel.
Alas 12:01 ng madaling araw naman kanina nang magpatupad ng rollback na P0.20 sa kada litro ng gasolina, P0.50 sa kada litro ng diesel at P0.20 din sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Petron, Sea Oil at Shell.
Ang kumpanyang Flying-V ay mas mabababa ang ipinatupad na rollback sa gasolina na P0.15 lamang sa kada litro, parehong halaga ng rollback sa diesel at mas mataas na P1.80 ang rollback sa kerosene.
Epektibo naman alas 6:00 ng umaga ngayon, rollback na P0.20 sa kada litro ng gasoline at P0.50 sa kada litro ng diesel ang ipinatupad ng mga kumpanyang PTT, Total at Phoenix.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, ang nasabing bawas-presyo sa kanilang mga produkto ay resulta ng patuloy na pagbaba halaga ng produktong petrolyo sa world market./Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.