Malaking rally kontra sa Marcos hero’s burial ikinasa na sa Luneta

By Alvin Barcelona August 10, 2016 - 04:49 PM

Ferdinand-Marcos-0922
Inquirer file photo

Magdaraos ng kilos protesta sa darating na Linggo- August 14 sa Luneta Park ang grupong Coalition Against the Marcos Burial at the Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Susan Quimpo ng Bantayog ng Mga Bayani, isa sa grupong kasali sa binuong coalition, ito ay para ipakita nila ang hayagan nilang pagkontra sa hero’s burial para sa dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Umaasa si Quimpo na papakinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang panawagan dahil hindi aniya makatwiran na baguhin ang kasaysayan at kalimutan nalamang ang mga nangyari noong panahon ng Batas Militar.

Ang Coalition against the Marcos burial in Libingan ng mga Bayani ay isang multi sectoral group na binubuo ng mga grupo gaya  ng Freedom from Debt Coalition, Philippine Alliance of Human Rights Advocates at student groups mula San Beda at UP.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na papayagan niyang mag-rally ang mga tutol sa hero’s burial para kay Marcos kahit na abutin pa ito ng isang buwan.

TAGS: libingan ng mga bayani, Luneta, Marcos, libingan ng mga bayani, Luneta, Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.