Philippine Army reservist tinutukan ng baril ang sariling pamangkin

By Den Macaranas August 10, 2016 - 04:33 PM

Philippine_Army_HQ_TaguigIsa na namang Philippine Army reservist ang nasa hot water ngayon makaraan siyang ireklamo ng panunutok ng baril ng kanyang sariling pamangkin sa lungsod ng Maynila.

Desidido ang Barangay Tanod na si Roy Balza na kasuhan ang kanyang tiyuhin na si reservist Sgt. Rodrigo Balza makaraan siyang sipain at tutukan ng Cal. 45 pistol na nakunan pa ng CCTV.

Naganap ang insidente habang nasa isang inuman si Roy na malapit lamang sa kanilang bahay sa Delpan , Tondo.

Nagalit umano ang kanyang tiyuhin nang kanilang batiin dahil nakasuot ito ng uniporme ng Philippine Army.

Sa puntong iyun ay kaagad siyang sinipa ng suspek kasunod ang panunutok ng baril.

Sinabi ni BGen. Joshua Santiago, Commander ng National Capital Region Reserve Community Defense Group na nakipagkita na sa kanya ang reservist na si Balza at kaagad niyang sinamahan sa himpilan ng pulisya para isuko.

Ipinaliwanag din ng opisyal na hindi nila kukunsintihin ang ginawa ni Balza.

Kapag napatunayang nagpasala ang nasabing army reservist ay kaagad siyang papatawan ng parusa dagdag pa ni Santiago.

Magugunitang kamakailan lang ay naging lamang ng mga balita si Vhon Tanto na isa ring Philippine Army reservist makaraan niyang barilan at mapatay ang kanyang naka-alitan sa Quiapo Maynila.

TAGS: manila, Philippine Army, reservist, manila, Philippine Army, reservist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.