Tugade: Serbisyo ng MRT at LRT aayusin, saka na ang dagdag singil

Tugade senate
Photo: Jan Escosio

Nilinaw ni Transportation Sec. Arthur Tugade na walang magaganap na dagdag singil sa pasahe sa mga tren ng MRT at LRT.

Sa pagdinig ng Senado kanina kaugnay sa hinihinging emergency power ng Malacañang para masolusyunan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila ay nilinaw ng kalihim na wala sa kanilang “radar” ang fare increase.

Ayon ay Tugade, uunahin muna nilang ayusin ang serbisyo ng MRT at LRT at saka na lamang nila pag-uusapan kung kailangan na ang dagdag singil para sa pamasahe.

“Yun nga ho yung sinasabi ko na lalabas ho kaming katawa-tawa na mag re-rate increase ka na ang serbisyo mo ay hindi naman maganda. Katawa tawa ho tayo dyan”, paliwanag ng opisyal.

Sa pagdinig ng Senado ay ipinaliwanag ng mga opisyal ng Transportation Department at Metro Manila Development Authority ang ilan sa mga mekanismo na kanilang ipinatutupad para sa problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Inilabas rin ng MMDA ang record na nagsasabing 26-percent ng kabuuang mga registered sa bansa ay nasa Metro Manila.

Read more...