43 pulis na kasama sa drug list tinaningan na ng PNP

By Ruel Perez August 10, 2016 - 03:56 PM

PNP IASNagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga  tauhan nila na kasama sa narco-list na idedeklara silang AWOL o absent without leave kapag hindi agad sila nagreport para magbigay ng kanilang salaysay.

Ayon kay PNP spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, labing-isang araw lamang ang ibinibigay nila sa mga PNP personnel na kasama sa listahang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte para lumutang at magreport sa kani- kanilang mother units.

Ani Carlos, hindi naman umano kailangang mismong sa Camp Crame pa magtungo ang mga pulis na na-implicate dahil maaari naman umanong sa kanilang mga immediate superior na lamang nila magpakita para makuhanan ng statement hinggil sa kanilang posibleng partisipasyon sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.

Bukod dito, kakasuhan din ng insubordination ang mga narco police kapag hindi pa rin nagsisuko ang mga ito.

Pero paliwanag ni Carlos ito naman ay kung hindi maipapaliwanag na mabuti ng mga narco police kung bakit di sila makapagrereport gayung linggo pa ng madaling araw inilabas ni Pangulong Duterte ang nasabing listahan.

Sisimulan umano nila ang pagbibilang sa labing isang araw noong lunes ng umaga matapos mapaso ang 24 hrs deadline ni Pangulong Digong.

Sa 98 na mga law enforcement personnel na narco list 43 pa lamang ang nagpapakita sa Kampo Crame para magbigay ng kanilang sariling pahayag sa pagkakadawit ng kanilang pangalan sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

TAGS: bato, Illegal Drugs, PNP, bato, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.