Orange rainfall warning nakataas sa Batangas
Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng habagat, nakataas pa rin ang orange rainfall warning sa lalawigan ng Batangas.
Sa 12:00NN advisory ng PAGASA, sinabi nitong tatagal pa sa susunod na tatlong oras ang nararanasang malakas na buhos ng ulan sa lalawigan.
Inabisuhan din ang mga residente sa Batangas dahil nagbabadya ang pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan.
Yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Cavite at Laguna.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Quezon, Bataan, Pampanga at Zambales.
Payo ng PAGASA sa mga residente ng mga apektadong lugar, imonitor ang mga susunod na abiso ng weather bureau mamayang alas 3:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.