Orange rainfall warning nakataas pa rin sa Cavite at Batangas
Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan itinaas ng PAGASA ang orange rainfall warning sa mga lalawigan ng Cavite at Batangas.
Sa 9:00AM advisory ng PAGASA, sinabi nitong tatagal pa sa susunod na tatlong oras ang nararanasang malakas na buhos ng ulan sa nabanggit na mga lalawigan.
Inabisuhan din ang mga residente dahil nagbabadya ang pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan gayundin ang pagguho ng lupa.
Yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Metro Manila, Bataan, Rizal at Laguna.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Bumacan, Pampanga, Quezon at Zambales.
Payo ng PAGASA sa mga residente ng mga apektadong lugar, imonitor ang mga susunod na abiso ng weather bureau mamayang alas 12:00 ng tanghali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.