P88M na halaga ng shabu, mga sangkap sa paggawa ng bomba, nasabat sa bahay ng mga Espinosa sa Leyte
Hinalughog ng mga tauhan ng Albuera, Leyte police at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay ng pamilya Espinosa sa bayan ng Albuera.
Bitbit ang search warrant, pinasok ng mga otoridad ang ancestral home ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., sa sitio Tinago Dos, Barangay Benoldo kaninang alas 5:00 ng umaga.
Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Albuera police, aabot sa labingisang kilo ng shabu ang nasamsam sa bahay ng mga Espinosa na tinatayang nagkakahalaga ng P88 milyon.
May mga nakuha ring ammonium nitrade, blasting caps, firing wires at black powder na ginagamit na sangkap sa paggawa ng pampasabog.
Sinabi ni Espenido na ang mga tauhan mismo ni Espinosa na kanilang nadakip kamakailan ang nagsabi sa mga otoridad na may mga shabu sa loob ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.