Nasunog ang apartment na tinitirahan ng pamilya Manuel sa Balmores Street kanto ng Dizon Street sa Barangay General Paulino Santos.
Nagsimula ang sunog alas 3:45 ng madaling araw at naapula alas 4:50 ng madaling araw.
Nasawi sa nasabing sunog si Efraim “Noynoy” Manuel, 33 anyos matapos na hindi na makalabas ng kaniyang kwarto.
Nagtamo naman ng sunog sa likod at braso ang ina ng biktima na si Marlina.
Limang pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa na dalawang palapag na bahay.
Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.
MOST READ
LATEST STORIES