1 patay, 1 sugatan sa sunog sa Koronadal City

By Dona Dominguez-Cargullo August 10, 2016 - 08:27 AM

fireIsa ang patay at isa ang sugatan sa sunog na naganap sa Koronadal City kaninang madaling araw.

Nasunog ang apartment na tinitirahan ng pamilya Manuel sa Balmores Street kanto ng Dizon Street sa Barangay General Paulino Santos.

Nagsimula ang sunog alas 3:45 ng madaling araw at naapula alas 4:50 ng madaling araw.

Nasawi sa nasabing sunog si Efraim “Noynoy” Manuel, 33 anyos matapos na hindi na makalabas ng kaniyang kwarto.

Nagtamo naman ng sunog sa likod at braso ang ina ng biktima na si Marlina.

Limang pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa na dalawang palapag na bahay.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

TAGS: 1 killed in a fire that hits koronadal city, 1 killed in a fire that hits koronadal city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.