Orange rainfall warning nakataas pa rin sa Bataan, Cavite at Batangas

Orange Rainfall WarningDahil sa patuloy na malakas na pag-ulan itinaas ng PAGASA ang orange rainfall warning sa mga lalawigan ng Bataan, Cavite at Batangas.

Sa 6:00AM advisory ng PAGASA, sinabi nitong tatagal pa sa susunod na tatlong oras ang nararanasang malakas na buhos ng ulan sa nabanggit na mga lalawigan.

Inabisuhan din ang mga residente na maging alerto dahil nagbabadya ang pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan, gayundin ang pagguho ng lupa.

Yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Zambales, Rizal at Laguna.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija at Quezon.

Payo ng PAGASA sa mga residente ng mga apektadong lugar, imonitor ang mga susunod na abiso ng weather bureau.

 

 

 

Read more...