Big time tax evaders, papatawan na ng travel ban

By Chona Yu August 10, 2016 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Hindi na palalabasin ng bansa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayayamang negosyante na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ayon sa pangulo, inatasan na niya ang Bureau of Immigration (BI) na pagbawalan ang mga ito na makalabas ng Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na humihingi na siya ngayon ng listahan ng mga tax evaders kay Bureau of Internal Revenue Caesar Dulay.

Kapag nakuha na ng pangulo ang listahan ng mga tax evaders, aatasan naman niya ang mga pulis at sundalo kasama ang media na puntahan ang address ng mga ito para tanungin kung bakit hindi sila nagbabayad ng tamang buwis.

Tiniyak rin ni Duterte na oras na magbayad ng tamang buwis ang mga tax evaders, hindi sila makararanas ng anumang uri ng harassment mula sa BIR.

Nakadidismaya aniya dahil nakakaya pa ng mga tax evaders na kumuha ng mga pulis at sundalo para maging personal na bodyguard.

Pagtitiyak pa ng pangulo, babaklasin niya ang mga pulis at military na nagsisilbing personal bodyguard ng mga tax evaders.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.