3 patay sa buy-bust ops sa Cavite

 

Patay ang tatlong lalaki na hinihinalang tulak ng bawal na gamot matapos na makatunog na isinasailalim sila sa drug buy bust operation ng Cavite police.

Ayon kay Supt. Egbert Tibayan, hepe ng Trece Martires Police, nanlaban sa mga pulis ang target ng operasyon na si alias Boche na kilalang drug pusher sa lugar at may pinatatakbong drug den sa Brgy. San Agustin, Trece Martires Cavite

Nakumpirma ng mga pulis ang iligal na gawain ng suspek ng magkaabutan na ng illegal na droga at pera sa pagitan ng mga suspek at pulis na nagpanggap ng bibili ng droga.

Kinumpirma naman ng mga kapitbahay ng mga nasawing suspek na ginagawang drug den ang bahay at maraming labas-masok na mga tao lalo na sa gabi.

May narekober na baril sa bahay, ilang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Read more...