Gordon kay Bato: Mag-ingat sa mga pananalita

By Kabie Aenlle August 10, 2016 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Dahil hindi naman siya sakop ng immunity from suit tulad ng pangulo, pinayuhan ni Sen. Richard Gordon si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na mag-ingat sa mga binibitiwang salita.

Gayunman, pareho pa ring pinaalalahanan ni Gordon sina Dela Rosa at Pangulong Rodrigo Duterte na mag-ingat sa mga sinasabi lalo na sa pagsa-sangkot sa mga tao sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon kay Gordon, kailangang buo ang katiyakan ng pangulo kaugnay sa kaniyang mga impormasyon, bagaman hindi naman siya makakasuhan, hindi tulad ni Dela Rosa.

Naging reaksyon ito ni Gordon sa mga pagbabanta ni Dela Rosa sa mga pulis na dawit sa tinaguriang “narco-list” na papatayin niya ang mga ito.

Ani Gordon, salain dapat maigi ni Dela Rosa ang kaniyang mga pahayag dahil maari itong gamitin para siya ay makasuhan ng grave threat.

Bagaman pinuri ni Gordon ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa iligal na droga, naniniwala siyang mas makabubuti kung inuna ang pagsasampa ng mga kaso bago ang paglalantad ng mga pangalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.