Sanggol sa Texas, patay sa Zika virus

By Kabie Aenlle August 10, 2016 - 04:07 AM

 

Zika virus ang itinuturong dahilan sa pagkakasawi ng isang sanggol na isinilang na may microcephaly sa Houston, Texas.

Ayon sa Texas Department of State Health Services, na-impeksyon ng Zika virus ang sanggol habang ito ay nasa sinapupunan pa ng kaniyang ina nang bumiyahe ito sa Latin America.

Pumanaw ang sanggol sa Harris County ilang sandali lang matapos isilang nang may depektong tinatawag na microcephaly o pagkakaroon ng lubhang maliit na bungo.

Ito ang kauna-unahang Zika-related na pagkamatay sa Texas.

Nilinaw naman ng kagawaran na travel-related ang kaso ng mag-ina at walang banta ng Zika sa Texas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.