Pangulong Duterte, nababahala rin sa dami ng napapatay

By Chona Yu August 10, 2016 - 04:29 AM

 

Inquirer file photo

Hindi rin masaya ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mataas na bilang ng mga napapatay dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay presidential spokesman Ernesto Abella, concerned at nababahala na ang pangulo.

“No, he is not happy, he is deeply and profoundly concerned,” pahayag ni Abella.

Pero ayon kay sa tagapagsalita ng pangulo, naa-apreciate ng pangulo na tumataas na ang kamalayan ng taumbayan sa sitwasyon at sa lawak ng problema ng illegal na droga sa Pilipinas.

“I think he appreciates the fact that people are more and more aware of the situation if there anything at all people are aware of the depth and breadth of clear and present danger of drugs menace,” dagdag pa nito.

Sa pinakahuling tala, aabot na sa mahigit 400 katao ang napapatay bunsod ng pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.