Urgent motion inihain para sa agarang pagpapalaya sa political prisoners

By Kabie Aenlle August 10, 2016 - 04:24 AM

 

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Naghain na ang Office of the Solicitor General ng urgent motion to release on bail sa Manila Regional Trial Court Branch 32 para sa mga naka-ditineng consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na sasama sa peace talks sa August 20.

Ginawa ito ng OSG matapos ibasura ng Supreme Court ang naunang hiling ng gobyerno para palayain ang mga political prisoners dahil wala umano silang hurisdiksyon sa mga kaso ng ilan sa kanila.

Ayon sa Korte Suprema, dapat ihain ito ng pamahalaan sa mga kaukulang korte kung saan nakabinbin ang kaso ng mga consultants ng NDFP, na siyang ginawa ngayon ng OSG.

Ang pinayagan lang kasi ng Korte Suprema na dumalo sa peace talks ay sina dating party-list Rep. Satur Ocampo at NDFP consultants Randall B. Echanis at Vicente Ladlad.

Sa inihaing mosyon sa Manila RTC, hiniling ng OSG ang pansamantalang kalayaan nina Benito at Wilma Tiamzon na parehong may mga tungkulin sa pagsusulong ng peace talks.

Nakasaad pa sa urgent motion na ang mga kaalaman at karanasan ng dalawa ay makakatulong sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng NDFP.

Bukod sa kinakaharap na kasong multiple murder sa Maynila, may nakabinbin ring kaso ng kidnapping with serious illegal detention ang dalawa sa Quezon City, habang murder at frustrated murder naman sa Laoang, Northern Samar, at illegal possession of explosives sa Toledo, Cebu.

Ayon kay NDFP legal consultant Edre Olalia, parehong mosyon rin ang ihahain sa ibang korte kung saan may mga nakabinbing kaso ang mga Tiamzon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.