BBL,inaasahang maipapasa sa Setyembre

July 20, 2015 - 08:55 PM

Bongbong-Marcos1-660x440Kumpiyansa si Senador Ferdinand Bongbong Marcos na kayang sabayan ng Senado ang Kamara sa pagpasa sa Bangsamoro Basic Law sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Marcos, chairman ng senate committee on local government, maaring mauna lang ng dalawang linggo ang kamara sa pag apruba sa BBL at tiyak nang susunod ang senado.

Iginiit ni Marcos na sa pagbubukas ng sesyon ng senado sa July 27, magiging prayoridad na nila ang pagpasa sa BBL.

Naniniwala si Marcos na magiging plantsado na ang BBL bago pa man ang filing ng ‘Certificate of Candidacy’ sa buwan ng Oktubre.

Sa ngayon aniya, tinatapos na niya ang substitute bill na kanyang isusumite sa plenaryo kapag nagbalik na ang sesyon sa susunod na linggo./Chona Yu 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.