Ayon kay Interior Sec. Mike Sueño, inatasan na niya ang kanilang legal team para iprayoridad ang kaso ng mga umanoy narco-politicians.
Kaugnay nito, tiniyak ni Sueño na magiging patas ang kanilang gagawing imbestigasyon at ita-trato ang mga ito ng maayos.
Samantala, pinayuhan ng kalihim ang mga kawani ng mga local executives na kasama sa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy lang ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko at huwag magpa -apekto sa mga nangyayari.
Sinabi ng Malacañang na madadagdagan pa ang mga nasa listahan ng pangulo sa mga darating na araw.