6 na buwan taning ng DILG sa imbestigasyon sa “narco-politicians”

By Alvin Barcelona August 09, 2016 - 04:06 PM

dilg-sueno-620x465Kumpiyansa ang Department of Interior and Local Government (DILG) na kaya nilang tapusin sa loob ng anim na buwan ang imbestigasyon sa mga local government officials na idinadawit ng Duterte administration sa illegal drug trade.

Ayon kay Interior Sec. Mike Sueño, inatasan na niya ang kanilang legal team para iprayoridad ang kaso ng mga umanoy narco-politicians.

Kaugnay nito, tiniyak ni Sueño na magiging patas ang kanilang gagawing imbestigasyon at ita-trato ang mga ito ng maayos.

Samantala, pinayuhan ng kalihim ang mga kawani ng mga local executives na kasama sa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy lang ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko at huwag magpa -apekto sa mga nangyayari.

Sinabi ng Malacañang na madadagdagan pa ang mga nasa listahan ng pangulo sa mga darating na araw.

TAGS: DILG, Illegal Drugs, sueno, DILG, Illegal Drugs, sueno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.