Imbestigasyon sa mga kaso ng extra judicial killings sisimulan na ng DILG

AbellaTiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi kinukunsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang extra judicial killings sa bansa.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa pagkabahala ng U.S sa marahas umanong  kampanya ng pangulo kontra sa illegal na droga kung saan karaniwang napapatay ang mga drug suspects.

Katunayan, ayon kay Abella ay inatasan na ng pangulo ang Department of Interior and Local Government na magsagawa ng imbestigasyon.

Iginiit pa ng opisyal na maging ang makakaliwang grupong Bayan ay nagsabi na masyado pang premature na isisi sa kauupong administrasyon ang nagaganap na extra judicial killings.

Ipinaliwanag pa ni Abella na tumutulong na rin ang PNP, Napolcom at iba pang ahensya ng pamahalaan para imbestigahan ang mga kaso ng extra judicial killings.

Magugunitang mismong ang pangulo mismo ang nagsabi na posibleng may ibang mga grupong sumasakay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Posible rin umanong pinapatay ang ilang mga drug pushers para pagtakpan ang ilang mga maimpluwensiyang tao sa loob ng mga sindikato ng droga sa bansa.

Read more...