Anim na estudyante sa Iloilo, sumakit ang tiyan dahil sa tsokolate

July 20, 2015 - 07:34 PM

iloilo-city-mapNaospital ang anim na mag-aaral ng isang elementary school sa Iloilo matapos kumain ng chocolate candy. Ang mga estudyante ay mula sa Ungka 2 Elementary School.

Nabatid na ang nakaing chocolate candy ng anim na estudyante ay nabili nila sa kanilang kaklase.

Piso ang bili ng mga estudyante sa isang piraso ng tsokolate na naka balot sa foil at makalipas ang ilang minuto ay dumaing na sila ng pananakit ng tiyan.

Nakaranas din ng pananakit ng ulo at nagsuka ang mga estudyante kaya agad silang dinala sa ospital.

Nakalabas na ang limang estudyante pero isa pa ang naiwan sa ospital dahil limang piraso ng tsokolate ang nakain nito.

Ang kaklase naman ng mga biktima na nagbenta ng chocolate candy ay hindi na pumasok sa klase nitong hapon.

Nasa sampung mag-aaral ang bumili ng tsokolate pero hindi sumakit ang tiyan ng apat sa mga ito./ Len Montaño 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.