Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Transportation Undersecretary Noel Kintanar na nasa kamay ng departamento ang pagpapasya hinggil sa pagtatakda ng pamasahe sa nasabing train system.
Ani Kintanar, hangga’t hindi umaayos o hangga’t walang development sa serbisyo ng MRT-3 ay hindi sila magtataas ng singil sa pasahe nito.
““Ang polisiya po ng departamento, unang-una ang pagtatakda ng pasahe ay nasa kamay ng Department of Transportation. May mga mechanism sa loob ng mga concession agreement kung saan hindi naman tayo magbi-breach ng mga kontrata. Pero gusto kong linawin na ang mga polisiya sa pages-set ng taripa ay nasa kamay ng Department of Transportation at ang policy po ng department ay hangga’t ma-improve po natin ang services ng ating mga tren ay hindi po tayo mag-iincrease muna ng pamasahe,” ani Kintanar.
Halos araw-araw nakararanas pa rin ng technical problem ang MRT nan aka-aapekto sa biyahe nito.
Reklamo ng ilang pasahero, sa araw-araw na pagsakay nila sa MRT, umaabot sila ng isang oras sa pila bago makasakay.