Eastern Petroleum, nagpatupad ng rollback

July 20, 2015 - 05:21 PM

Inquirer file photo

(Updated) May rollback muli sa mga presyo ng produktong petrolyo ang isang kumpanya ng langis para sa araw na ito.

Nauna na ang Eastern Petroleum Corporation sa pag-aanunsyo ng bawas-presyo sa gasolina at krudo.

Epektibo mamayang alas sais ng gabi, magbabawas ng P0.25 sentimos sa presyo ng kanilang gasoline ang Eastern Petroleum at .50 sentimos naman sa presyo ng kanilang diesel.

Ayon kay Fernando L. Martinez, Eastern Petroleum Chairman and Chief Executive, ang oversupply sa mga produktong petrolyo at ang settlement sa Iranian nuclear deal ang siyang patuloy na nakaapekto sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

“Though, local pump prices have been cut anew as world oil prices have edged lower last week, however the pricing for diesel for the months of August and September appears to be on the upswing,” pahayag ni Martinez.

Samantala, bukas naman Martes, July 21, magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang Shell, Phoenix Petroleum, Seaoil at PTT Philippines, Total, Flying V at Petron.

P0.50 sentimos ang ibabawas ng mga ito sa kanilang diesel products.

P0.20 naman ang ibabawas  sa kada litro ng gasolina ng Petron, Shell,  Total, SeaOil, Phoenix Petroleum at PTT Philippines.

P0.15 sentimos ang iro-rollback ng Flying V, samantalang P0.20 sentimos ang ibabawas sa presyo ng kerosene ng Petron  at Shell/ Jay Dones

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.