Mga adik na kongresista, pinatatanggal sa roster ng Kamara

congress1Iginigiit ng isang kongresista ang agarang pagsipa sa roster ng House of Representatives ang sinumang mambabatas na magpopositibo sa drug test.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, dapat tanggalin bilang house member ang kongresistang adik dahil nakakahiya umano ito.

Bukod sa pagtanggal bilang miyembro ng kamara, sinabi ni Barbers na dapat ipitin ang sweldo, alisin ang mga benepisyo at iba pang natatanggap ng drug addict na mambabatas.

Kinumpirma naman ni Barbers na sasalang siya sa drug test ngayong Martes, upang maging halimbawa sa kanyang mga kasamahan sa kamara.

Nauna nang hinamon ni Barbers ang mga kapwa kongresista na sumailalim sa drug test, sabay hain ng panukalang batas para sa mandatory drug test sa mga taga-Kapulungan sa gitna ng kampanya ng Duterte administration laban sa ilegal na droga.

Hindi lamang mga Solon ang sakop ng House Bill kundi mga legislative staff, consultants, officers at mga empleyado, na lahat ay kailangang magpa-drug test kada taon.

Batay sa narco-list ni Presidente Duterte, may ilang dati at kasalukuyang Kongresista ang napangalanan na umano’y sabit sa illegal drugs.

 

Read more...