Organizing committee ng Rio Olympics, gagawa ng bagong watawat ng China

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2016 - 08:41 AM

Matapos ulanin ng batikos bunsod ng maling pwesto umano ng mga bituin sa watawat ng China, gagawan na lang ng organizing committee ng Rio Olympics ng panibagong watawat ang nasabing bansa.

Ayon kay Games spokesman Mario Andrada, ang naunang watawat na kanilang ginawa ay inaprubahan ng mga kinatawan ng China.

Pero dahil sa mga batikos matapos na mapanood sa telebisyon na mali umano ang pagkakapwesto sa mga bituin sa watawat, sinabi ni Andrada na ibinalik na nila ito sa supplier at gumagawa na ng panibagong sets ng Chinese flags.

Inaasahan ni Andrada na maide-deliver ang mga bagong watawat sa lalong madaling panahon.

Napuna ang maling watawat ng China, matapos ang pagkakapanalo ng kanilang atleta sa shooting at swimming events kung saan bahagi ng pagkakaloob sa kanila ng medalya ay ang pagtataas ng bandila.

 

 

TAGS: Chinese flag for Rio Olympics, Chinese flag for Rio Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.