70 patay sa suicide bombing sa isang ospital sa Pakistan
Nasawi ang pitumpung katao at mahigit isangdaan ang sugatan nang atakihin ng suicide bomber ang isang hospital sa Quetta, Pakistan.
Inatake ng bomber ang mga nagtitipon-tipong mga abugado at journalists sa emergency room ng ospital dahil doon dinala ang tanyag na abogado na binaril at napatay.
Nagdulot ng matinding panic sa mga taong nasa ospital ang malakas na pagsabog at makapal na usok na pumasok sa loob ng hallways ng pagamutan.
Inako naman ng isang grupo mula sa Islamist militant Pakistani Taliban group ang responsibilidad sa pag-atake.
Ayon sa opisyal mula sa government-run Civil hospital, maliban sa pitumpung nasawi, nasa 112 ang nasugatan sa pagsabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.