Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2016 - 06:39 AM

Isang panibagong Low Pressure Area ang nabuo sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 1,200 kilometers East ng Aparri.

Ang LPA kahapon sa bahagi ng Batanes ay nakalabas na ng bansa.

Ayon sa PAGASA, apektado pa rin ng Habagat ang Luzon at Visayas.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, CAR, Calabarzon at mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Mindoro ay makararanas ng mga pag-ulan ngayong araw.

Maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Eastern Visayas at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, wala namang bagyo na namamataan na papalapit ng bansa.

 

 

TAGS: Low Pressure Area spotted in Aparri Cagayan, Low Pressure Area spotted in Aparri Cagayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.