P0.10 hanggang P0.85 na rollback sa presyo ng langis, epektibo na

By Kabie Aenlle August 09, 2016 - 04:22 AM

 

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILMuling magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Nagkaltas na ng 10 sentimos sa kada litro ng gasolina ang Petron, Caltex, Flying V, Eastern Petroleum, at SeaOil, habang 75 sentimos naman ang ibinawas nila sa kada litro ng kanilang diesel simula pa kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Epektibo naman mamayang alas-6:00 ng umaga ang parehong presyo ng rollback sa gasolina at diesel ng Total, UniOil, at PTT.

May bawas rin sa presyo ng kada litro ng kerosene na 85 sentimos ang Petron, Caltex, Flying V, at SeaOil.

Simula noong nakaraang buwan ng Hulyo, umabot na sa P2.90 ang nabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P2.95 sa presyo ng kada litro ng diesel bunsod ng anim na magkakasunod na linggo na rollback.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.