“Ayaw namin ng basura”-SBMA Chairman

July 20, 2015 - 04:21 PM

Inquirer file photo

“Hindi namin kailangan ang basura dito”.

Ito ang mariing pahayag ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Roberto Garcia sa Bureau of Customs o BOC kasunod ng pahayag na kailangang alisin na ng kagawaran ang 15 pang mga mga container na puno ng mga basurang galing sa Canada na nakatambak sa Subic Bay Freeport.

Ang 15 container vans ay bahagi ng 741 mga container na ipinadala dito mula Canada noong Agosto ng nakaraang taon.

Napunta ang mga container vans na may lamang basura mula sa Canada nang i-decongest ang Port of Manila noon ding nakaraang taon.

Ayon kay Garcia, noong Hulyo 15, hiniling ng BOC na ibiyahe mula Subic patungong Clark Freeport sa Pampanga ang 23 sa mga container na naglalaman ng basura mula Canada.

Nagpalabas aniya ng gate pass ang SBMA para sa walong container vans kaya’t may 15 pang mga container na puno ng basura ang naiwan sa New Terminal Container 2 sa SBMA.

“We’re going to tell the [BOC] that they send [the remaining container vans] back to Manila. I don’t want [them] here,” mariing sabi ni Garcia.

“We will just need to come up with a strong statement that we will not accept this trash,” ani Garcia.

“We’re negotiating with the BOC to take all of it out [of the free port]. We don’t want the trash here.”

Labingwalo sa 741 mga container ang ibinalik sa Maynila noong Seyembre ng nakaraang taon at 16 dito ang nangangamoy na samantalang ang dalawa ay may likidong nagmumula dito .

Nitong Julyo a-otso ay iniulat na naibaon na ng Metro Clark Waste Management Corp. ang may 26 na container van sa landfill sa Capas, Tarlac. / Jay Dones

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.