Solid bronze casket para kay Ex-President Marcos, dumating na sa Ilocos Norte

By Jay Dones August 09, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Dumating na sa bansa ang imported na ataul na paglalagakan ng mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa oras na ihatid na ito sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig.

Sa September, 18 inaasahang dadalhin sa Libingan ang labi ni ex-president Marcos matapos bigyan ng go-signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggawad ng full military funeral dito.

Kahapon, Lunes pansamantalang isinara ang mausoleo sa Batac, Ilocos Norte kung saan nakalagak ang labi ni Pangulong Marcos upang ihanda ang paglilipat ng labi nito sa ataul.

Taong 1993 pa nang ilagak ang labi ni Marcos sa naturang mausoleo na inilagay sa isang refrigerated casket.

Sinasabing gawa sa solid bronze ang naturang ataul ngunit hindi ibinunyag ng pamilya Marcos ang aktuwal na halaga nito.

Bago dalhin sa Libingan ng mga Bayani, magkakaroon muna ng misa sa simabahan ng Batac, at Paoay para sa yumaong pangulo.

Noong Linggo, ipinag-utos na ng Department of National Defense sa AFP at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na gawin na ang kaukulang mga paghahanda sa nakatakdang libing ni Marcos na ilang dekada nang pinagdedebatehan kung papayagang maihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.