Pagtaas sa pasahe sa LRT 1, pag-uusapan na

By Alvin Barcelona August 09, 2016 - 04:15 AM

 

Inquirer file photo

Makikipagdayalogo ang Department of Transportation (DOTr) sa Light Rail Metro Center (LRMC) – ang nagpapatakbo ng LRT Line 1 para makahanap ng compromise sa itinakdang pagtataas ng pamasahe sa linya mula Baclaran hanggang Roosevelt at pabalik.

Sa harap ito ng pagpapatupad ng ‘concession agreement’ sa pagitan ng DOTr at LRMC para sa sampung porsyentong pagtataas ng pamasahe sa LRT 1 na dapat sana ay nag-umpisa noong unang araw ng Agosto.

Ayon kay DOTr spokesperson Chery Mercado, naghahanap sila ng ‘win-win solution’ sa nasabing usapin dahil naniniwala si Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi napapanahon ang taas pasahe sa LRT.

Pero pagtiyak ni Mercado, handa silang kilalanin ang mga pinapasok na kontrata ng gobyerno.

Ang gusto lamang aniya nila ay matiyak na tama ang ibibigay nitong serbisyo sa mga pasahero ng LRT.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.