Pagbabalik ng dealth penalty idinepensa ni Pacquiao sa plenaryo
Humugot pa ng ilang artikulo sa banal na aklat o Bibliya si Sen Manny Pacquiao para ipaliwanag ang kanyang pagpabor sa muling pagpapataw ng parusang kamatayan.
Sa kanyang unang privilege speech bilang senador, ang malalang problema ng droga sa bansa ang naging pasakalye ni Pacquiao sa kanyang posisyon ukol sa death penalty.
Sa kanyang anim na pahinang talumpati, sinabi ng senador na bagama’t ang diyos ay diyos ng awa, ito rin ay diyos ng hustisya.
Sa tatlong talata mula sa Bibliya na binanggit ni Pacquiao ang isa dito ay sa wikang Filipino mula sa Exodus 21:12 na nagsasabing “ang nanakit sa isang tao na anupa’t namatay ay papatayin din dahil sa pagkakasala”.
Sa huling bahagi pa ng kanyang talumpati, binanggit ng pambansang kamao ang datos na nagsasabing lumala ang problema sa droga sa bansa.
Nang tanungin kung sa paanong pamamaraan ipapatupad ang pagpapataw ng death penalty ay inirekomenda ni Pacquiao ang lethal injunction at hanging o pagbigti sa mga nagkasala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.