Trillanes, hindi titigil sa pagbubunyag laban kay Binay

July 20, 2015 - 03:48 PM

trillanesNasa panic mode na si Vice President Jejomar Binay kaya tinatakot nito ng kaso ang mga taong umuusig sa kanya. Reaksyon ito ni Senador Antonio Trillanes IV sa dalawang daang milyong pisong damage suit ni Binay na isinampa laban sa kanya at iba pang personalidad sa Makati Regional Trial Court kanina.

“Nagpapakita lang ito na nagpa-panic na si VP Binay kaya sinusubukan lang niyang takutin ang mga taong umuusig sa kanya. Gayunpaman, haharapin natin ang kasong ito sa korte,” ani Trillanes.

Nakahanda si Trillanes na sagutin sa korte ang kasong inihain ni Binay. Ayon kay Trillanes, hindi siya natatakot sa kaso at patuloy na ibubunyag ang mga katiwalian ni Binay.

Bukod kay Trillanes, kasamang kinasuhan ni Binay sina Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, ombudsman Conchita Carpio Morales at iba pa.

Sina Trillanes, Cayetano at Mercado ang unang nagbunyag sa umano’y mga katiwalian na kinasasangkutan ni Binay noong siya pa ang mayor ng Makati City.

Kabilang sa mga anomalya na kinasasangkutan umano ni Binay ang Makati Carpark building, Hacienda Binay sa Batangas, University of Makati at iba pa./ Chona Yu 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.