Ramos handa na para maging icebreaker sa tensyon sa WPS

By Alvin Barcelona, Den Macaranas August 08, 2016 - 04:38 PM

FVR China
Photo: Alvin Barcelona

Naniniwala si dating Pangulong Fidel Ramos na magsisilbing “icebreaker” sa tensyon sa West Philippine Sea ang kanyang bagong tungkulin sa pamahalaan bilang special envoy sa China.

Sinabi ng 88-anyos na dating lider ng bansa na ang kanyang byahe sa Hong Kong ngayong araw ay magsisilbing launching pad ng pagbabalik ng maayos na relasyon sa pagitan ng magkaibigang bansa na Pilipinas at China.

“Eventually, I’m sure you’ll hear this from high officials, that eventually there will be formal bilateral talks. The objective is to bring about a condition of peace, sustainable development and harmony in our Asia Pacific region”, paliwanag ni Ramos.

Nilinaw rin ng dating pangulo na hindi siya ang mangunguna sa gagawing negosasyon sa China kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ang magiging bahagi lamang niya ay ang maging tulay para sa muling pag-uusap ng dalawang bansa.

Nauna na ring sinabi ng China na bukas sila sa isang bilateral talks kasama ang mga kinatawan ng Pilipinas.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang humikayat kay Ramos na pangunahan ang misyon sa China makaraan ang paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa ating bansa.

TAGS: China, ramos, special envoy, West Philippine Sea, China, ramos, special envoy, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.