Mga pulis na kasama sa drug list dinisarmahan na at mananatili sa Crame

By Ruel Perez August 08, 2016 - 04:02 PM

PNP IAS
Photo: Ruel Perez

Hindi na muna pababalikin sa kani kanilang mga assignments ang 31 sa 32 police personnel na sumuko sa Camp Crame matapos mapasama ang pangalan sa listahan ng mga umano’y sangkot sa operasyon ng illigal na droga.

Ito ang sinabi ni PNP Internal Affairs Service Director C/Supt. Leo Angelo Eleuterio matapos magpakita sa Camp Crame ang 15 police officials, 16 na police non- commissioned personnel at isang retired official na idinadawit sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Eleuterio, pansamantalang mananatili sa holding and accounting unit ang 31 PNP personnel hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon sa kanila ng IAS.

Kasabay ng paglalagay sa kanila sa holding unit babawiin na din sa mga uniformed officers ang kanilang mga service firearms.

Bukod sa pagkuha ng sworn statement, isasalang din ang mga ito sa mandatory drug test.

Samantala, inamin naman ni Gen. Eleuterio na sa ngayon ay wala pa silang nakukuhang substantial information mula sa mga nagsisukong tauhan ng pambansang pulisya.

TAGS: Camp Crame, ias, Illegal Drugs, PNP, Camp Crame, ias, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.