Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng rollback bukas

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon August 08, 2016 - 12:25 PM

Oil PriceNag-anunsyo na ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis epektibo bukas, Martes, August 9.

Unang nagpa-abiso ang kumpanyang Shell na magpapatupad ng bawas na 10 centavos sa kada litro ng gasolina, 85 centavos sa kada litro ng kerosene at 75 centavos sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang price rollback ng Shell alas 6:00 ng umaga bukas.

Samantala, may pareho ring rollback sa kanilang produktong petrolyo ang kumpanyang Seaoil sa parehong oras.

Ang mga kumpanyang Phoenix Petroleum naman at Eastern Petroleum ay magpapatupad din ng parehong halaga ng rollback sa gasolina at diesel alas 6:00 din ng umaga.

Simula noong nakaraang buwan ng Hulyo, umabot na sa P2.90 ang nabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P2.95 sa presyo ng kada litro ng diesel bunsod ng anim na magkakasunod na linggo na rollback.

 

 

TAGS: oil price rollback, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.