Umabot na sa 38 ang nasawi sa landslides na naganap sa Mexico dahil sa pananalasa ng bagyong Ear,
Ayon sa state government, 28 sa mga nasawi ay mula sa central Puebla state kung saan labinglima sa kanila ay pawang menor de edad.
Ilang bahay ag natapunan ng gumuhong lupa sa nasabing lugar.
Umabot na sa 200 katao ang nawalan ng bahay Puebla dahil sa malakas na pag-ulan na nagresulta sa pagbaha at landslides.
Samantala, sa eastern state naman na Veracruz, kinumpirma ng gobernador na sampu na ang nasawi sa landslide.
Patuloy ang malalakas na pag-ulan sa Mexico dahil sa tropical storm Earl.
Sa bayan ng Huauchinango, ang bumuhos na tubig ulan sa loob lamang ng 24 na oras ay katumbas ng pang-isang buwan na tubig ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.