‘Due process’ vs drug war, nagkakaisang panawagan ng mga senador

By Jay Dones August 08, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

Nagkakaisa ang ilang mga senador sa panawagan sa administrasyong Duterte na igalang ang tamang proseso o ‘due process’ sa kampanya  kontra droga.

Ayon kay Sen. Leila De Lima, chair ng Senate Committee on justice and human rights na bagama’t kapuri-puri ang pagpupursige ni Pangulong Duterte laban sa droga, hindi naman dapat nababalewala ang ‘rule of law’.

Mababalewala lamang aniya ang ‘name and shame’ strategy ni Pangulong Duterte kung kalaunan ay hindi naman masusuportahan ito ng ebidensya sa isang paglilitis.

Kung may malinaw na ebidensya aniya mga napapangalanan, dapat agad na isampa ang kaso sa hukuman upang makapaglabas ng arrest warrant at maaresto ang mga ito.

Mistula rin aniyang ‘death sentence’ para sa isang napangalanan ang ginagawa ng administrasyon dahil na rin sa shoot-to-kill order sa mga ito sa kabila ng katotohanang wala pa namang kasong isinasampa laban sa mga naturang personalidad.

Giit ni De Lima, mistulang simula na ito na ng isang ‘tyranny’ kung saan nagsisilbing ‘judge, jury at executioner’ ang iisang tao.

Sinang-ayunan naman ni Senate Pro Tempore Franklin Drilon at Ralph Recto ang pananaw ni De Lima na dapat ay may sinusunod na due process sa lipunan.

Giit naman ni Sen. Grace Poe na dapat ay puspusang tinutugis ang mga drug suspects ngunit dapat itong napapaloob sa isinasaad ng batas.

Panawagan naman ni Sen. Risa Hontiveros, dapat malaman ng taumbayan kung paano nabuo ang listahan ng mga drug personalities na lokal na opisyal at huwes na isiniwalat ng Pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.